BALER, Aurora - Makakaranas ng hanggang 11 oras na brownout ang ilang bahagi ng Nueva Ecija at Aurora bukas, Abril 28, Biyernes.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Central Luzon Corporate Communication & Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, mawawalan ng kuryente ang mga kustomer ng NEECO-II, Area 2, at AURELCO simula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Apektado ng brownout ang mga bayan ng Talavera, Bongabon, Gen. Natividad sa Nueva Ecija; at ang Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Aurora, Baler, at Dipacualo sa Aurora.

Pansamantalang mawawala ang kuryente upang dagdagan ang ground clearance ng apektadong transmission structures sa isang pagawain, na kasabay naman ng pagmamantine sa Poblacion Sur-Bongabon-San Luis line segment. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?