AYON sa isang premyadong aktres na nakakuwentuhan namin, hindi na dapat pagtakahan ng mga taga-showbiz ang pagdami ng mga eskuwelahang namimigay ng awards sa mga artista.

Kamakailan daw naman kasi ay may nagparating sa kanya mula sa isang bagong sulpot na award-giving body na dapat munang siguraduhing makakarating ang artista sa gabi ng parangal bago nila ihayag ang pangalan nito bilang winner.

Ibibigay lang daw nila ang award sa artista kung mangangako ito na personal na tatanggapin ang award.

“Gusto lang nilang makakita ng artista, kaya ganu’n na lang ang sigasig nilang magbibigay ng awards. Buking ko na ang drama nila at ng kanilang mga estudyante,” sey ng aktres sa amin.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Dagdag pa ng kausap namin, may mga artista din naman daw na naglalaan talaga ng panahon sa pagtanggap ng awards.

“‘Yung iba naman kasi, eh, hindi ganu’n ka-busy. And they have the time na pumunta sa awards night at siyempre, nakahanda na agad ang acceptance speech nila,” napapatawang banggit ng kausap namin.

Pero lately raw, knows na rin ng managers at handlers ng mga artista ang modus ng schools.

“Pansinin mo, eh, karamihan sa mga sikat, eh, mga representative na lang ang umaakyat sa stage at siyempre naka-post agad sa social account ng mga ito ang pasasalamat ek-ek nila sa nagbigay ng award,” sey pa ng aming source.

Lahad pa niya, hindi na gaanong siniseryoso ng mga artista ang nagsusulputang award-giving bodies dito sa Pilipinas. Sampu-sampera na raw kasi ang mga nagbibigay ng parangal sa mga artista kahit alam na rin mga ito na hindi deserving ang pinarangalan. --Jimi Escala