BARCELONA, Spain (AP) — Ginapi ni fourth-seeded Dominic Thiem ng Austria si Kyle Edmund ng Britaon, 6-1, 6-4, para makausad sa third round ng Barcelona Open.

Na-saved ni Thiem ang anim na break point para makamit ang ika-19 na panalo ngayong season. Nakamit ng ninth-ranked Austrian ang Rio Open title nitong Pebrero.

Nakabangon naman si Yuichi Sugita ng Japan para maitakas ang 4-6, 6-3, 7-6 (3) panalo kontra ninth-seeded Richard Gasquet ng France.

Umusad din sina eighth-seeded Alexander Zverev ng Germany, nagwagi kay 2013 finalist Nicolas Almagro ng Spain 7-6 (4), 4-6, 6-4; South African Kevin Anderson kontra 13th-seeded David Ferrer ng Spain 6-3, 6-4, at Rogerio Dutra Silva ng Brazil kontra Renzo Olivo ng Argentina, 6-1, 6-1, para maisaayos ang second-round match kontra defending champion Rafael Nadal.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Makakaharap naman ni top-seeded Andy Murray sa second-round si Bernard Tomic ng Australia, namayani kontra German Dustin Brown 7-5, 4-6, 6-2.