Nais ni Senator Leila de Lima na imbestigahan ng Senado ang panukala na muling ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections ngayong Oktubre at magtalaga na lamang ng mga opisyal ng barangay.

“Postponing the barangay elections and appointing barangay officials would undermine our democracy by depriving our people of the right to elect their leaders,” nakasaad sa resolusyon ni De Lima.

Magugunita na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10923 na nagpapaliban sa Barangay at SK elections noong Oktubre 31, 2016 at inilipat sa Oktubre 23, 2017 bilang bahagi ng kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Sinabi ni De Lima na dapat silipin ang dahilan ng Pangulo na 40 porsiyento ng mga opisyal ng barangay ang sangkot sa droga kaya kailangan munang lutasin ang problemang ito bago magkaroon ng halalang pang-barangay. - Leonel M. Abasola

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'