Mali ang sapantaha na mabubuwag ang Kamara at mawawalan ng trabaho ang mga kawani nito kapag naging federal ang sistema ng gobyerno sa bansa.

Ito ang nilinaw ni House Secretariat Secretary General Atty. Cesar Strait Pareja sa seminar sa “Briefing on What is Federalism”.

Ayon kay Pareja maapektuhan lamang ang Kamara kung ipatutupad ang “unicameral or parliamentary system.” Gayundin sa ilalim ng ipinapanukalang federalismo, magkakaroon ng federal legislature sa bawat federal state kayat kailangan pa rin ang karanasan at kahusayan ng mga opisyal ng House Secretariat at mga empleyado. - Bert De Guzman

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador