Mahalaga ang bawat boto at hindi ito dapat sayangin.

Ito ang binigyang-diin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) kasabay ng paghihikayat sa mga botante na humabol sa voters’ registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

“My appeal is for qualified voters to meet the deadline to register. One single vote is important and can spell a big difference,” pahayag ni PPCRV national chairperson Rene Sarmiento.

Nagpaalala na ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na hanggang sa Sabado (Abril 29) na lamang maaaring magpatala para makaboto sa halalan sa Oktubre 23. - Mary Ann Santiago

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'