NAKIKIPAGTULUNGAN ang Department of Environment and Natural Resources-Negros Island Region sa lungsod ng Bacolod para sa paglulunsad ng urban greening program sa susunod na buwan.

Inihayag ni Department of Environment and Natural Resources-Negros Island Region Director Al Orolfo na sa tulong ng tatlong-taong programa, bubuo sila ng green corridors sa lungsod partikular sa pagtatanim ng endemic tree species.

Isinasapinal pa ang araw ng paglulunsad nito.

Dagdag pa ni Orolfo, binigyan na ng kapangyarihan si Mayor Evelio Leonardia ng Sangguniang Panglungsod para lumagda sa memorandum of agreement ng Department of Environment and Natural Resources-Negros Island Region.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Layunin nito na hindi lang maging green city ang Bacolod, kundi maging biodiversity-friendly city, aniya.

Sinabi rin ni Leonardia na layunin ng Bacolod na makapagtanim ng isang milyong puno sa tulong ng programa.

Sa tulong ng mga opisyal ng barangay, inilahad ni Leonardia na pangungunahan ng pamahalaang panglunsod ang tree-planting program.

Dagdag pa niya, nabatid sa nasabing inisyatibo na magsusulong ito ng kamalayan sa kapaligiran at pagmamahal sa mga puno para sa mga taga-Bacolod.

Hinimok ng alkalde ang mga pribadong sektor na makibahagi rin sa program, at hinimok din ang mga may-ari ng bahay na may bakanteng lote na magsipagtanim ng puno.

Noong Hunyo ng nakaraang taon, nag-alok ang Department of Environment and Natural Resources-Negros Island Region ng libreng seedlings sa bawat barangay ng Negros Occidental.

Pinangangasiwaan ng ahensiya ang P80-milyong mechanized nursery project sa Ayungon, Negros Oriental. Isa ito sa 11 mechanized nursery project sa bansa, at kabilang ito sa unang limang site na nagbukas.

Kayang makapag-produce ng 250,000 seedling kada araw ang nursery, na nakakapaglaan ng serbisyo sa tatlo pang rehiyon sa Visayas. (PNA)