COTABATO CITY – Sinisilip ng pulisya ang away sa lupa na posibleng motibo sa pagpatay sa isa pang “doctor to the barrio” at bodyguard nito noong Abril 18 sa Cotabato City.

Sinabi ni Cotabato City Police Office director Senior Supt. Victor Valencia na sinisilip ng pulisya ang anggulo ng away sa lupa sa pagpatay kay Dr. Sajid Sinolinding at sa security escort nitong si Muhammad Esmael sa loob ng klinika ng una noong Abril 18.

Isang ophthalmologist at kapatid ni Dr. Kadil Sinolinding, health secretary ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), si Sajid ay isang volunteer doctor sa Lanao del sur.

Binaril ang biktima ng hindi pa nakilalang suspek na nagpanggap na may katarata.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Inilabas na ng pulisya ang cartographic sketch ng suspek na may taas na 5’8”, balingkinitan at edad 30-35.

Ayon pa sa pulisya, posibleng isang makapangyarihang angkan ng mga Muslim ang nasa likod ng pamamaslang kay Sinolinding. (Joseph Jubelag)