Anim sa 10 Pilipino ang pabor na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa, batay sa resulta ng huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa nationwide survey na isinagawa mula Marso 25 hanggang 28 sa 1,200 respondent sa buong bansa, natuklasan ng SWS na 36 na porsiyento ng mga Pilipino ang "strongly approve" sa panukalang ibalik ang death penalty sa mga karumal-dumal na krimen na may kaugnayan sa ilegal na droga, habang 24 na porsiyento ang "somewhat approve" sa panukala.

Halos 16% naman ng mga Pinoy ang hindi pa makakapagdesisyon kung sila ay papabor o hindi, 7% ang "somewhat disapprove", at 16% ang "strongly disapprove" sa panukala.

Katumbas ito ng net approval score na +38 (61% strongly/somewhat approve minus 23% somewhat/strongly disapprove), na itinuturing na "good" ng SWS.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sa sukatan ng SWS para sa net satisfaction ratings: +70 pataas ay "excellent;" +50 hanggang +69 "very good;" +30 hanggang +49 "good;" +10 hanggang +29 "moderate;" +9 to –9 "neutral;" -10 to –29 "poor;" -30 to –49 "bad;" -50 to –69 "very bad;" at -70 pababa ay "execrable."

Natuklasan din ng SWS na pinakamataas ang net approval ng panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa mga may malawak na kaalaman tungkol dito, nasa +59, sinusundan ng mga may marami ngunit hindi sapat na kaalaman, sa +51, ang mga mayroong kaunting kaalaman, ay +30, at ang mga wala talagang kaalaman, ay zero.

Mas malakas din ang suporta sa panukala mula sa Metro Manila at upper-to-middle class ABC, dagdag dito.

Pinakamataas ang net approval sa Metro Manila, +58, sinusundan ng iba pang bahagi ng Luzon sa +39, Mindanao sa +35, at Visayas sa +25.

Sa class, ang net approval ng panukala ay pinakamataas sa class ABC sa +62, sinusundan ng class D o ang "masa" sa +40, at pinakamahirap na class E sa +21. - Ellalyn De Vera-Ruiz