Tatlong Indonesian at isang Malaysian ang kabilang sa mga napatay sa apat na araw na bakbakan sa Piagapo Complex, Lanao del Sur, kinumpirma kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa isang press briefing, sinabi ni AFP chief of staff General Eduardo Año na ang tatlong Indonesian at isang Malaysian ay bahagi ng 37 miyembro ng Maute terror group na napatay nang salakayin ng militar ang kampo ng mga ito sa Sitio Pagalungan, Barangay Gacap, Piagapo, bandang 10:00 ng umaga nitong Lunes.

Ayon kay Año, sa 37 napatay, 14 na ang nakilala ng awtoridad.

“They are calling themselves as ISIS-(Islamic State of Iraq and Syria) inspired and there is also one personality by the name of Imam Bantayao or Bayabao, he is a former Moro Islamic Liberation Front (MILF) leader under Commander Bravo. He left and join the Maute Group,” ayon kay Año.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa ngayon, aniya, ay nagsasagawa ng mopping up operation ang militar at sinusubukang malaman kung buhay pa ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon. -Francis T. Wakefield