THEA copy

KAHIT marami ang namba-bash kay Thea Tolentino dahil sa mahusay na pagganap bilang si Trish sa Destined To Be Yours, may fans pa rin sina Alden Richards at Maine Mendoza na tanggap na aktingan lang ang ginagawa nina Thea at Alden.

Pinepersonal ng ibang AlDub fans ang napapanood sa TV at kahit alam naman nilang four years nang karelasyon ni Thea si Mikoy Morales, pinapaniwala pa rin nila ang kanilang sarili na “for real” ang ginagawang pang-aagaw niya kay Benjie (Alden).

Ang daming masasakit na salitang ibinabato kay Thea at hindi siya nakapagpigil na sumagot sa isang comment. Sabi kasi ng basher, parang wala siyang pinag-aralan at sa susunod na magpumilit siyang ipasok sa teleserye ng may teleserye, siguraduhin niyang kaya niya. Pinansin pa ng basher ang pang-i-English ni Thea at sakang daw siya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang mala-alamat na kuwento ng Bulkang Kanlaon

“Sige,” sagot ni Thea. “Para patas tayo, aayusin ko diction ko at ikaw naman, aayusin mo ugali mo. Para parehas tayong mag-improve, ano?”

May nag-comment pa na nagmukhang waitress si Trish (Thea) sa restaurant scene nila ni Benjie (Alden) dahil sa suot na Chinese outfit. Ang sagot ni Thea na idinaan sa sarcastic answer o biro, “Eh kasi nga pabida. Papansin.”

Ang positibo sa pamba-bash kay Thea ay ang mga nagsasabing she’s a good actress at nagagampanan nang mahusay ang role. Isa pa, may intelihenteng fans na ipinagtatanggol siya sa kapwa nito fans na galit na galit sa kanya.

(Nitz Miralles)