AMINADO si dating WBO bantamweight champion Marlon Tapales ng Pilipinas na hindi na niya kayang kunin ang timbang sa 118 pounds division kaya aakyat na lamang siya sa super bantamweight na kampeon ang Mexican American na si Jessie Magdaleno.

Tinalo ni Tapales si WBO No. 6 contender Shohei Omori ng Japan kamakalawa ng gabi via 11th round technical pero nahubaran na siya ng titulo kaya nabalewala ang kanyang panalo.

Kaagad namang inilagay ng WBO si South African Zolani Tete bilang bagong WBO bantamweight champion matapos talunin sa puntos si No. 1 contender Arthur Villanueva ng Pilipinas sa Leincaster, United Kingdom.

“I was already waking at 147 lbs before I started training for this fight so I had to lose 30 lbs coming here,” sabi ni Tapales sa Philboxing.com. “My body has really grown up big.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nahirapan si Tapales sa laban kay Omori dahil nagpiga siya nang husto makuha lamang ang timbang sa bantamweight limit.

“I felt too heavy. I saw my punches traveled a long time to hit its target,”dagdag ni Tapales. “But I just had to let my hands go. Luckily I tagged him with my left uppercut.”

Napaganda ni Tapales ang kanyang rekord sa 30-2-0 win-loss-draw na may 13 panalo sa knockouts at umaasang papasok sa top 5 rankings sa super bantamweight division kasama ang mga Pilipino na sina No. 2 at 5-division world champion Nonito Donaire Jr., No. 3 Juan Miguel Elorde at No. 5 Genesis Servania na aakyat naman sa featherweight division.

Sa undercard ng laban, natalo naman ang ka-stable ni Tapales na si dating world rated John Neil Tabanao sa 6-round unanimous decision kay Teiru Atsumi sa iskor na 58-55, 58-55 at 58-56 sa mga huradong pawang Hapones.

(Gilbert Espeña)