PIOLO TONI DIREK JOYCE copy

NAG-FIRST shooting day na ang reunion movie ng blockbuster team-up nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Sa behind-the-scene footages ng first shooting day na ginawa sa Jones Bridge na ipinost sa social media, nakita naming si Bb. Joyce Bernal ang director ng pelikula. Si Olivia Lamasan ang direktor ng Starting Over Again nina Piolo at Toni na kumita ng P410M nang ipalabas noong 2014.

Wala pang naibabalitang working title ang bagong pelikula nina Piolo at Toni.

Human-Interest

Paalala ng mommy-vlogger: 'Toys are genderless!'

At least, hindi man natuloy ang soap nilang Written On Our Stars, mapapanood pa rin sila sa pelikula.

Naalala naming nabanggit ni Piolo sa interview sa kanya sa presscon ng Northern Lights na gusto pa rin niyang gawin ang soap nila ni Toni. Kaya lang, mas gusto niyang mag-focus muna sa paggawa ng pelikula. (Nitz Miralles)