Para kay Senator Richard Gordon, mas mainam ang pagkakaroon ng “cultural change” ng sambayanan kaysa pagsulong ng pederalismo sa bansa.
Sinabi ni Gordon na ang pangalan lamang ang mababago pero ang magpapanakbo ay parehon din ng mga kasalakuyang nakaupo o mga lumang pulitiko na kapareho ng “New Society o Bagong Lipunan” ng panahon ng diktatadurya.
“Parang new society with the same old faces. Kunwari yung society, federal government, eh yun na naman ang magpapatakbo, same people. So ang kailangan natin is cultural change in the way we run the government,” ani Gordon.
Aniya, ang unang dapat na baguhin ay ang electoral system, upang ang mga kandidato na may kakayahang mamuno pero walang sapat na pondo ay may tsansa na manalo.
Sinabi ni Gordon na dapat mag-umpisa sa isang debate sa bawat rehiyon na popondhan ng pamahalaan.
“Gusto ko baguhin yung sistema ng eleksyon. Unless we do it, how can you change? Tatakbo akong senador o tatakbong presidente, para makapag-advertise ka, P895,000 for 30 seconds. Para makakuha ka ng ganung salapi, either mayaman na mayaman ka, which means pabor lamang sa mayaman yan. Pangalawa, kung mayaman ka ginamit mo pera mo, malamang babawiin mo somehow yan. Pangatlo, pag kaya mong humingi sa mga malalaki syempre you’re putting yourself in danger na kapag nakaupo ka na manghihingi ng pabor sa yo yan,” ani Gordon.
Aniya, hindi dapa na maging prayoridad ng lehislatura ang pagpasok sa pederalismo dahil hindi pa handa ang bansa.
(Leonel M. Abasola)