ISULAN, Sultan Kudarat — Ilang araw makaraang palayain ng New People’s Army (NPA) ang dalawang bihag na sundalo, nagkasagupa ang mga komunistang rebelde at tropa ng militar sa Sultan Kudarat na ikinasawi ng tatlo katao.

Tumagal ng 15 minuto ang bakbakan sa Barangay Datal'blao, Columbio, ng mga nagpapatrulyang sundalo ng 39th Infantry Battalion ng Army at ng NPA.

Napag-alaman naman mula sa pahayag ni Police Senior Inspector Bernard Francia, hepe ng Columbio police, na ang mga nasawi ay mga lumad o katutubo sa lugar.

Sinabi ng Francia na patuloy nilang kinukumpirma kung may kaugnayan ang mga nasawi sa mga rebelde na nakaengkwentro ng Army.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sinabi naman ni Bai Bebot Mamalinta, barangay captain ng Datal'blao, na nahintakutan ang ilan sa mga residente dahil sa naganap na labanan, ngunit wala naman lumikas.

Dagdag pa ni Mamalinta, patuloy ang militar sa pagtugis sa mga umatras na rebelde. (Leo P. Diaz)