NAPANATILI ng De La Salle ang malinis na karta nang gapiin ang University of Santo Tomas sa come-from-behind 3-1 panalo nitong Linggo sa UAAP Season 79 womenâs football tournament sa Moro Lorenzo Field.
Naiskot ni Aira Indac ang unang goal para sa Tigresses sa ika-20 minuto ng laro, bagi humataw si Kyra Dimaandal para simulan ang ratsada ng Lady Archers tungo sa ika-10 sunod na panalo ngayong season.
Sina Alexi Arrieta (50th minute) at Chelo Hodges (80th minute) ang kumumpleto ng panalo ng La Salle na nagtamo ng kabuuang 24 puntos.
Haharapin ng UST, may 13 puntos, ang Ateneo sa playoff para sa No.2 spot sa championship sa Mayo 4 sa Rizal Memorial Stadium.