MONACO (AP) — Walang duda, si Rafael Nadal ang natatanging player sa clay court sa Open era ng tennis.

Nakopo ng Spanish superstar ang ika-10 men’s single titl sa Monte Carlo Masters nang gapiin si Albert Ramos-Vinolas, 6-1, 6-3 sa all-Spanish final nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Ito ang ika-50 career title sa clay court ni Nadal, sapat para lagpasan ang matikas ding si Argentine Guillermo Vilas.

Sunod na tatangkain ni Nadal ang makamit ang ika-10 French Open title. Huling nagwagi ang 14 Grand Slam winner sa Roland Garros noong 2014.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I want. I really want it too,” pahayag ni Nadal.

Sa kabuuan, ito ang ika-70 career title ni Nadal, ngunit una ngayong season matapos mabigo sa huling tatlong finals, kabilang ang dalawa sa kamay ni Roger Federer.

Ang tanging kabiguan ng 30-anyos na si Nadal sa Monte Carlo ay kontra kay Novak Djokovic noong 2013.

“Winning 10 times in such an important event like Monte Carlo is something difficult to describe,” aniya. “My serve worked great. I have been hitting very well on backhand during the whole week. The forehand is better and better every day.”

Ang 70 title ni Nadal ay lamang ng tatlo sa career win ni Djokovic, mas bata sa kanya ng isang taon. Nasa ikalima sa all-time list si Nadal, pitong titulo ang layo kay John McEnroe. Nasa ikatlo si Federer (91); pangalawa si Ivan Lendl (94) at nangunguna si Jimmy Connors (109).