Isinugod sa pagamutan ang 18 katao makaraang mahulog sa bangin ang kanilang jeep sa Tuba, Benguet, Linggo ng gabi.

Sinabi ng Tuba Municipal Police na nahulog ang jeep sa bangin na 98 metro ang lalim sa Sitio Luding, Barangay Poblacion.

Isa lang sa mga nasugatan ang nakilala: ang driver na si Ricky Patras, 27.

Dinala ang mga nasugatan sa Tuba Emergency Medical Center.

Probinsya

Mga nasawi sa MV Trisha Kerstin 3, nadagdagan pa ng 3; ‘survivor count,’ nasa 316 pa rin!

Ayon sa police report, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver. (Fer Taboy)