ISULAN, Sultan Kudarat — Limang taon na ang makararaan mula nang simulan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang National Greening Program (NGP).
Inilunsad ang programa bilang tugon sa nakakalbong kabundukan dahil sa mga nagkakaingin at illegal loggers sa Sultan Kudarat.
Batay sa naging datos ng Cenro 5A o ng Penro-Sultan Kudarat, umabot na sa mahigit 12,000 ektarya sa mga bayan ng Columbio, Lutayan, Isulan, Esperanza, Bagumbayan, at Senator Ninoy Aquino ang sakop ng programa kung saan katuwang naman ang umaabot sa daang people's organizations kasama na ang ilang nasa Moro National Liberation Front (MNLF), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ilang lugar na sinasabing makakaliwa.
Naging halimbawa ang nasa naunang grupong nabanggit kung saan ang mga puno ng kape, goma, palm oils at iba pa ay napapakinabangan na ng mga residente, ani Batutiak Maluguial ng MNLF at Kumander Stallion ng MILF. (Leo P. Diaz)