KULAY berde at asul ang muling masisilayan sa UAAP women’s volleyball.

Naisaayos ng Ateneo Lady Eagles ang ‘rematch’ ng championship – ika-anim na sunod -- sa La Salle nang gapiin ang Far Far Eastern University, 25-22, 25-10, 16-25, 26-24, sa Final Four ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament nitong Linggo sa MOA Arena.

Gaganapin ang Game One ng best-of-three Finals sa April 29.

Hataw si Michelle Morent ng 16 puntos, habang kumana si Jhoana Maraguinot ng 14 puntos patunayan na may kinabukasan at tibay ang Lady Eagles, sa kabila ng graduation si star player Allyssa Valdez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nag-ambag si Bea de Leon ng 12 puntos para sa Ateneo.

“Marami ang may alinlangan sa amin dahil nawala na si Allyssa (Valdez). Mahirap din para sa amin pero ganoon talaga kailangan naming lumaban kahit wala na an gaming pambato, at least napatunayan naming na ready na kami,” sambit ni Maraguinot.

Ibinuhos ni fourth year setter Jia Morado ang lahat ng 51 excellent sets ng Ateneo at si second year libero Deanna Wong naman ay may 20 digs at 11 excellent receptions sa laro na tumagal ng halos da¬lawang oras.

Nanguna sa Lady Tams sina Bernadeth Pons na may 14 puntos at graduating team captain Remy Palma na kumana ng 12 puntos.

Naunang umusad sa finals ang La Salle nang gapiin ang UST.