Napilitan ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na limitahan ang kanilang biyahe kahapon ng madaling araw dahil sa kakapusan ng supply ng kuryente.

Ayon kay Rochelle Gamboa, head ng corporate communications office ng LRT-1, dakong 4:00 ng madaling araw nang magpatupad sila ng limited operation mula Roosevelt Station hanggang Gil Puyat Station lamang nang magkaproblema ang power cable nila sa Baclaran Station dahil sa malakas na ulan mula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng madaling-araw.

Kaagad ding inayos ng LRT-1 ang problema at naibalik sa normal ang biyahe dakong 8:10 ng umaga. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji