MINSK, Belarus (AP) — Sinopresa ng Belarus ang liyamadong Swiss team, 3-2, para makausad sa Fed Cup finals sa unang pagkakataon.

Ibinigay ni No. 125-ranked Aryna Sabalenka ang importanteng panalo sa Belarusians nang pabagsakin si Viktorija Golubic 6-3, 2-6, 6-4 sa unang reversed singles match.

Mapapalaban ang Belarusian sa United States sa finals na gaganapin sa Nobyembre. Inaasahang makalalaro sa koponan si dating No. 1-ranked player Victoria Azarenka.

Nakatakdang magbalik aksiyon ang two-time Australian Open champion matapos magpahinga para maalagaan ang bagong silang na anak. Pansamantala siyan pinalitan ni No. 96-ranked Aliaksandra Sasnovich.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi naman nabigo ang Belarus kay Sasnovich nang pataubin si Golubic 6-3, 5-7, 7-5 nitong Sabado bago gapiin si Timea Bacsinszky 6-2, 7-6 (2) sa final match.

Target ng Switzerland na makaabot sa Fed Cup final sa ikalawang pagkakataon. Kabilang si tennis icon Martina Hingis sa koponan na unang nakaabot sa final noong 1998, kung saan naipanalo niya ang dalawang singles mathc, subalit natalo sa krusyal na doubles para sa 2-3 kabiguan sa Spain.