Inalerto ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko, partikular ang mga magulang, laban sa isang bakuna kontra polio na matagal nang ipinagbabawal ng ahensiya ngunit kumakalat pa rin sa bansa.

Sinabi ni FDA Director General Nela Charade Puno na nakatanggap sila ng ulat na ilang pribadong medical practitioner ang bumabalewala sa ban na kanilang inisyu laban sa Trivalent Oral Polio Vaccine (tOPV) at patuloy itong ibinibigay sa kanilang mga pasyente.

“This type of vaccine has already been banned by the DoH and FDA last year,” ani Puno. “The public must be vigilant as well. Do not give tPOV to your children.” (Mary Ann Santiago)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist