Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng teenager na hinihinalang miyembro ng “Akyat-Bahay” gang matapos barilin ng isa umanong miyembro ng vigilantes sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Base sa report ni PO3 Jay Dela Cruz ng Tactical Operation Center (TOC) ng Talipapa Police-Station 3, kinilala ang biktima na si Jay Valera, alyas “Punggoy”, 17, 5th Street, Area 4, Veterans Village, Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 11:00 ng gabi nangyari ang pamamaril sa Luzon Avenue sa nasabing barangay.

Naglalakad umano si Valera sa nasabing lugar nang lapitan ng armadong lalaki at dalawang beses binaril sa ulo.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

(Jun Fabon)