GERONA, Tarlac — Isang 16-anyos na binatilyo ang kinasuhan ng abduction with rape matapos halayin umano ang isang 13-anyos na dalagita sa Barangay Magaspac, Gerona, Tarlac, kamakalawa.

Sinabi ng pulisya na nagkasundo ang biktima, ang suspek at ilan nilang kaibigan na magtungo sa Red Wood Resort ng Bgy.Magaspac para maligo.

Inabot ng gabi ang grupo sa resort, at inalok ng suspek ang dalagita na samahan sa bahay ng kanyang lolo, kung saan ginanap ang panghahalay.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang binatilyo. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog