DOBLE ang lungkot ng sambayanan nang matalo si No.1 bantamweight Arthur Villanueva kay Zolani tete ng South Africa sa kanilang WBO interim title fight kahapon sa Leicester arena sa United Kingdom.

Naganap ang kabiguan isang araw matapos hubaran ng korona sa Japan si dating WBO bantamweight champion Marlon Tapales.

Anuman ang kahinatnan ng laban ni Tapales kay No. 6 contender Shohei Omori ng Japan, mawawala na siya sa kampeonato dahil hindi na niya nakuha ang timbang na 118 lbs.

“South Africa’s Zolani Tete won the WBO interim bantamweight belt with a masterful exhibition of boxing when he outclassed Filipino Arthur Villaneuva over 12 rounds at the Leicester Arena in England on Saturday night,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com. “The scores were 120-109 and 119-108 twice.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kaagad nahirapan sa laban si Villanueva nang ma-headbutt siya ni Tete sa 1st round pa lamang kaya pinaglaruan lamang siya ng mas matangkad na si Tete na hindi nakipagsabayan sa Pinoy boxer.

“In the sixth round Tete scored a flash knockdown when he dropped Villaneuva with a straight right to the jaw; and through rounds seven to 12 he continued to dominate the fight, using all his boxing skills to run out an easy winner,” dagdag sa ulat. “The 29-year-old Tete improved his record to 25-3; 19 and Villaneuva, 28, saw his record drop to 30-2; 16.” (Gilbert Espeña)