NATAGPUAN na niya ang kanyang layunin! Nagbalik-tanaw si Justin Bieber sa kanyang 2014 DUI arrest at mga kaguluhang kinasangkutan sa kanyang Instragram post nitong Linggo.

“I LOVE THIS because it reminds me IM NOT EXACTLY WHERE I WANT TO BE BUT THANK GOD IM NOT WHERE I USED TO BE!!” saad ng Grammy winner, 23, caption sa kanyang side-by-side photo na kanyang mugshot at selfie. “THE BEST IS YET TO COME DO YOU BELIEVE IT?”

Inaresto si Bieber sa Miami Beach, Florida noong Enero 2014 sa kasong driving under the influence, driving with expired license at resisting arrest. Sinabi ng mga pulis noon sa Associated Press na inamin ni Bieber na humithit siya ng marijuana, uminom ng alak at uminom ng prescription medication, na kalaunan ay nalamang Xanax.

Ibinahagi rin ng Believe singer sa panayam sa kanya ng Complex ang tungkol sa kanyang karanasan sa kulungan. “I went in, and I’m telling you that 24 hours sucked. It was really cold. That was the worst part about it,” aniya. “It’s freezing; it’s uncomfortable; there are people in there you just don’t want to be around. I had people who were yelling at me. They were saying, ‘Bieber! We f--k with you, bro! We love you! Aye! Keep your head up, bro!’ It was kind of funny to hear that, especially from cats in jail.”

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

Inaresto si Bieber dahil sa mga paglabag sa batas, kabilang ang misdemeanor vandalism na isinampa laban sa kanya at sa mga kaibigan niya sa pag-vandal nila sa bahay ng kanilang kapitbahay sa Calabasas, California. Pinagbayad siya ng $80,900, kaakibat ang dalawang taong probation, 12 linggong anger management, at limang araw na community service.

Naging matagumpay ang pagbabalik ng pop star noong tag-init ng 2015 nang ilabas ang kanyang single na What Do You Mean at album na Purpose. Kasalukuyang niyang inire-record ang kanyang ikalimang studio album at inilabas kamakailan ang kanyang patok na collaboration kasama sina Luis Fonsi at Daddy Yakke na Despacito. (Us Weekly)