SEOUL (AP) – Sariwa pa sa higanteng parada ng North Korea na inilantad ang mga intercontinental ballistic missile, naghahanda ngayon ang karibal na South Korea at kanyang mga kaalyado sa posibilidad na susundan ito ng Pyongyang ng malaking pasabog.

Madalas markahan ng North Korea ang mahahalagang petsa sa pagpapamalas ng kakayahang militar nito, at sinabi ng mga opisyal ng South Korea na may tsansang magsasagawa ang bansa ng ikaanim na nuclear test o magpapakawala ng bagong ICBM sa anibersaryo ng pagkakatatag ng militar nito ngayong araw.

Sinabi ni Seoul Defense Ministry na lumalabas na handa ang North na magsagawa ng “strategic provocations” anumang oras. Inatasan ni South Korean Prime Minister Hwang Kyo-ahn, tumatayong lider ng bansa, ang militar na palakasin ang kanilang “immediate response posture” sakaling may mahalagang ginawa ang North sa anibersaryo ngayong Abril 25.

Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage