ANTIQUE -- Sentro ng atensiyon ang lalawigan ng Antique sa paglarga ng 2017 Palarong Pambansa kahapon sa Binirayan Sports Complex sa lungsod ng San Jose, Antique.

“We are going to set a precedent because this is the first time that a small province, and practically an unknown province pushed for the hosting of the sports event which gained support from all sectors, and Secretary Briones told me that she is expecting more provinces will bid for the Palaro hosting next year, because if a small province like Antique could stage such a big sports event, then they could do it too,” pahayag ni Antique governor Rhodora Cadiao sa media briefing noong Sabado ng hapon.

“Kung nakaya namin dito sa Antique, bakit hindi rin nila makakaya, “ dagdag nito.

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ng lalawigan sa DepEd at Philippine Sports Commission sa tulong na ibinigay upang masiguro ang kaayusan sa lalawigan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Cadiao, kasabay nang paligsahan ang pagsigla ng turismo sa lalawigan na inaasahan nilang madodoble sa mga susunod na araw. (Marivic Awitan)