CHIBA, Japan – Inalat si Juvic Pagunsan sa naiskor na even-par 71 nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Panasonic Open sa Chiba, Japan.

Sa bawat birdie na magawa, kasunod ang nakadidismayang hiyawan sa Chiba Country Club Umesato Course.

Na-ibirdie niya ang No. 3 ngunit nag-bogey sa No.8, gayundin sa No.15 matapos ang birdie sa No.14.

Tangan ni Pagunsan ang 7-under 207, tatlong stroke ang layo sa lider na si Jung Gon Hwang ng South Korea (65) tungo sa final round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naitala ni Mikumu Horikawa ang pinakamatikas na iskor sa 63 para makisosyo sa liderato kay Prayad Marksaeng ng Thailand at Hiroshi Iwata ng Japan sa 204.

Hataw naman si Antonio Lascuna sa naiskor na 69 para sa sosyong ika-30 sa thee-under 210 sa torneo na co-sanctioned ng Japan Tour at Asian Tour.