LOTLOT AT JANINE copy

NAINTERBYU namin si Lotlot de Leon sa press preview ng pelikulang1st Sem na ipalalabas na rin sa mga sinehan simula sa Miyerkules, Abril 26.

Open si Lotlot na pag-usapan ang tungkol sa break-up ng anak niyang si Janine Gutierrez at ng dating boyfriend nito si Elmo Magalona at ang pagkaka-link ngayon ng teen actress kay Rayver Cruz.

Sey ng beteranang aktres, tanggap na nila ang break-up nina Janine at Elmo at alam niyang maghihilom din ng nasugatang puso ng kanyang panganay. 

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

“Lilipas din ‘yan. Ganu’n talaga, eh, kasi kahit naman ako, magulang ako, nakikita mo ‘yung anak mo na ’eto ‘yung ginagawa, dito nai-in love. These are the choices in life that they make, there’s only so much you can do as a parent. So ‘yung sa akin, pangaral. Ngayon, nasa sa kanila ‘yon kung tatanggapin nila ‘yon o hindi,” kalmadong sabi ni Lotlot.

“And then, sinasamahan ko na lang ng madaming dasal kasi eventually, I know that she’s a smart girl, but pagdating naman sa puso lahat naman tayo… minsan sumasaliwa, eh, di ba? So, naiintindihan ko ‘yon and it was a path that she had to take in order for her to grow as a person, so okey na rin ‘yon.”

Tungkol naman sa napapabalitang may namamagitan ngayon sa dalaga niya at kay Rayver...

“Basta kung saan siya masaya. Basta maligaya siya, okey lang sa akin. ‘Wag lang nakikita ko ‘yung anak ko na nasasaktan. Ganu’n pala ‘yon, ‘no? Bilang magulang ‘pag nakita mo ‘yung anak mo, ‘yung anak mo na nasasaktan, you feel so helpless. You really feel helpless,” ani Balot.

“Parang wala kang… Hindi ka makagawa ng paraan para tumigil ‘yung sakit na nararamdaman niya. So kapag masaya sila, mas masaya ako.”

Saglit na natameme si Balot nang tanungin kung may basbas ba siya sa namumuong love life ng anak kay Rayver?

“Kilala ko naman si Rayver ever since dahil nakasama ko si Rayver sa Spirits (ABS-CBN series). So I knew of Rayver since before. And kahit na matagal kaming hindi nagkikita, kapag nagkikita kami ulit, parang kahapon lang.

“He’s a good person. He’s a good boy. Whatever happens to him, ngayon magkaibigan sila ni Janine, I don’t know what their plans are or what his plans are, maybe siya ‘yung dapat tanungin natin.

“Kasi ako, kung saan lang masaya ‘yung anak ko – kahit personal or career-wise do’n ako,” aniya.

Nakatrabaho ni Lotlot sa kanyang award-winning film na 1st Sem ang dalawang baguhang director na sinaDexter Hemedes at Allan Ibañez na aniya’y okay naman sa kanya at napatunayan niyang may ibibuga ang dalawa.

“Sa 1st Sem, ang unang kong nakita ‘yung script bago ko nakita ‘yung dalawa kong director. But after reading the script, I immediately fell in love with the story and I said yes.

“So hindi ko na inalam kung ano ‘yung background (ng mga director). Ang alam ko lang pangalan nila and I know that they’re writers. I had that gut feel that it’s a really good project and I want to be part of it,” pagtatapos ng aktres.

Nanalo ang 1st Sem ng Best Debut Feature para kina Direk Dexter at Direk Allan sa All Lights India International Film Festival. Ginawaran din si Lotlot ng special acting citation sa kanyang performance sa pelikula.

Graded A ang pelikulang ito sa Cinema Evaluation Board. (ADOR SALUTA)