DADALHIN ng NCAA ang kanilang mga laro sa home court ng kani -kanilang member schools simula sa darating na NCAA Season 93 basketball tournament na magsisimula sa Hulyo 8 sa MOA Arena sa Pasay City.

Ipinahayag ng League Policy Board ang nasabing hakbang sa idinaos na turnover ceremony kung saan ibinigay ng outgoing host San Beda ang hosting chores sa susunod na host San Sebastian College.

“We just want to bring the league back to the schools and our students,” ayon kay league president Fr. Nemesio Tolentin, OAR.

With the new scheduling and venue format, the league will hold three games each during Tuesdays and Fridays while reserving the Thursday playdate at the basketball courts of seven schools.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Gaya ng nakagawian lahat ng seniors’ games ay ipapalabas ng live sa ABS-CBN Sports and Action Channel.

Ayon kay incoming Management Committee chairman Fr. Glynn Ortega, OAR, ibinabalik nila bilang commissioner ang dati nilang coach na si Arturo “Bai” Cristobal.

Para sa opening day, sinabi ni Ortega na magtatapat ang host San Sebastian at defending champion San Beda sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon pagkatapos ng opening rites na magsisimula ng 12:00 ng tanghali na susundan ng tapatan ng last year’s runner-up Arellano University at ng Mapua ganap na 4:00 ng umaga.

Simula na rin ngayong taon ayon kay Ortega ng selebrasyon tungo sa centennial anniversary ng liga.

“The board has decided to start this year in setting the mood for the celebration of the NCAA’s 100 years,” ayon pa kay Ortega. (Marivic Awitan)