Michele Scarponi

MILAN (AP) — Dagok sa cycling community ang maagang pagpanaw ni Michele Scarponi, ang 2011 champion sa Giro d’Italia.

Sa edad na 37, sumakabilang buhay si Scarponi, nang masalpok ng isang van habang nag-eensayo.

Nagsasanay si Scarponi sa kalsada malapit sa kanyang tahanan sa Filottrano sa Italy, nang masagi siya ng tumatawid na sasakyan.

Trending

Lalaki, nalulong sa sugal; ipon na ₱800K, naglaho na lang parang bula

“We left a great champion and a special guy, always smiling in every situation, he was a real mile stone and a landmark for everyone in the Astana Pro Team,” pahayag ng Team Astana sa pormal na pahayag.

Naulila ni Scarponi ang maybahay at kambal na anak na 4-year old.

Kamakailan, masayang nag-post ng kanyang larawan kasama ang dalawang anak si Scarponi na may caption: “Even if only for a day I thought I’d bring home two leaders’ jerseys.”