Nakasalang ngayon sa Kamara ang panukalang batas na nagbabawal at nagtatakda ng parusa sa diskriminasyon batay sa sexual orientation ng isang tao. Ito ang House Bill 4982 (“An Act Prohibiting Discrimination on the Basis of Sexual Orientation or Gender Identity or Expression).

Ang HB 4982 ay itinataguyod nina Rep. Emmeline Aglipay-Villar (DIWA party-list, chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality), Rep. Kaka Bag-ao (Lone District ng Dinagat Islands) at Bataan Rep. Geraldine Roman.

Sinabi ni Deputy Speaker at South Cotabato Second District Rep. Ferdinand Hernandez, na dapat maging pantay ang pagtingin at pagtrato sa isang tao -- maging siya ay bakla, tomboy o transgender. (Bert De Guzman)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga