Ibinunyag ng Department of Health (DoH) na patuloy pa ring namiminsala ang sakit na Anthrax sa Abra, makaraang makapagtala ang kagawaran ng 53 kaso sa bayan ng Lagangilang ngayong 2017 lamang.

Batay sa datos ng Public Health Surveillance Division ng DoH-National Epidemiology Center (NEC), naitala ang naturang bilang ng anthrax cases noong Enero 1-Marso 25, 2017.

Ang mga dinapuan ng sakit ay isang taong gulang hanggang 83 anyos, ngunit pinakamarami ang nabiktima sa age group na 5-14 (34%). Karamihan umano sa mga biktima ay lalaki, sa 67.9%.

Wala namang naiulat na nasawi sa sakit ang DoH.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Endemic sa Pilipinas at karaniwang nakaaapekto sa mga hayop gaya ng kalabaw, ang anthrax ay isang infectious disease na sanhi ng Bacillus anthracis bacteria at nagdudulot ng impeksiyon sa tao, karaniwang may kinalaman sa balat, baga at tiyan. (Mary Ann Santiago)