Handang-handa na ang gobyerno sa pagdaraos ng 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Metro Manila ngayong linggo.

Nakatakdang salubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapwa niya pinuno ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya sa taunang asembliya na tututok sa pagtatatag ng isang people-centered, innovation-led growth at laging nakaaagapay na komunidad ng ASEAN.

Ang regional summit at mga kaugnay na pulong, na batay sa temang “Partnering For Change, Engaging the World”, ay idaraos sa Philippine International Convention Center sa Pasay City sa Abril 26-29. Ang pangunahing pulong ng ASEAN leaders ay gagawin sa Abril April 29.

“Preparations are now in full swing for all activities scheduled next week in Manila,” sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella. “The 30th ASEAN Summit is the first of two leaders-level meetings that the Philippines will host as this year’s Chair of ASEAN. President Duterte will chair this Summit which will be attended by the Heads of States/Governments of the ten ASEAN Member-States.”

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kaugnay nito, sinuspinde ng gobyerno ang pasok sa lahat ng pampublikong tanggapan sa Pasay City, Makati City at Maynila sa Huwebes, Abril 27, habang suspendido naman ang klase sa lahat ng paaralan at ang pasok sa mga pampubliko at pribadong tanggapan sa Biyernes, Abril 28.

Inaasahang tatalakayin ng mga pinuno ng ASEAN sa pulong ang progreso sa panukalang Code of Conduct sa usapin ng South China Sea.

Bago ang regional leaders’ meeting, nakatakdang makipagpulong si Pangulong Duterte kay Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa state visit ng huli sa Huwebes, Abril 27. May bilateral meeting din si Duterte kay Indonesian President Joko Widodo kinabukasan, Abril 28.

Kaugnay nito, idinaos kahapon sa Quirino Granstand ang send-off ceremony para sa 9,000 sundalo at pulis ng 40,000 miyembro ng security team na ipakakalat sa Metro Manila simula sa Miyerkules upang tiyakin ang seguridad ng 30th ASEAN Summit. (Genalyn Kabiling at Mary Ann Santiago)