PARIS (AP) — May hanggang Mayo 15 ang pamunuan ng French Open para maglabas ng desisyon kung palalaruin si Russian superstar Maria Sharapova, ayon sa French Tennis Federation.

Nakatakdang magbalik aksiyon ang five-time Grand Slam winner at dating world No. 1 bilang wild card sa Stuttgart’s Porsche Tennis Grand Prix.

Nasuspinde ang Russian tennis icon nang magpositibo sa heart drug meldonium noong 2016 Australian Open. Naibaba sa 15 buwan ang banned mula sa unang desisyon na dalawang taon matapos umapela si Sharapova sa Court of Arbitration for Sport noong Oktubre. Ang dating legal na ‘Meldonium’ ay isinama ng World Anti-Doping Agency sa listahan ng mga bawal na gamot sa pagsisimula ng taong 2016.

Inalmahan ng ilang player, kabilang na sina top-ranked Angelique Kerber at Andy Murray, ang desisyonm ng organizer na bigyan ng wild card entry si Sharapova sa main draw. Nararapat umanong, dumaan siya sa qualifier. Binigyan din ng wild card si Sharapova sa Italian Open sa Rome sa susunod na buwan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon sa FFT, “the decision will be taken the week of (Monday) May 15.” Kabilang sa titulo ni Sharapova sa apat na major ang Roland Garros noong 2012 at 2014.

Kabilang ang 30-anyos na model at negosyante sa 100 atleta na nagpostibo sa ‘meldonium’. Karamihan ay hindi naparusahan dahil natigil nila ang paggamit nito bago naibaba ang desisyon na isa itong banned substance.