Ipinasa ng House committee on Muslim affairs ang panukala na layuning magtatag ng isang Muslim Trade and Cultural Center (MTTC) sa Maynila para sa higit na kaalaman at pang-unawa sa karakter at kaugalian ng mga Muslim.

Sa pamamagitan ng MTTC, maipamamalas ang iba’t ibang kultura ng Muslim sa pamamagitan ng kanilang “traditional songs and dances”.

Inaprubahan ng komite ni AMIN Party-list Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman ang panukalang Muslim Trade and Cultural Center of the Philippines Act na ipinalit sa House Bill 2623 ni Buhay Party-list Rep. Jose Atienza, dating alkalde ng Maynila. (Bert de Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal