GERALD AT AI AI copy

IKINONEK ng ilang netizens ang yaya role ni Ai Ai delas Alas sa bago niyang pelikulang Our Mighty Yaya ng Regal Films sa relasyon niya sa kanyang fiance na si Gerald Sibayan.

Kung nagsisilbing ‘yaya’ rin daw ba siya ni Gerald sa halos dalawang taon na nilang relasyon?

Game itong sinagot ni Ai Ai ng, “’Pag naglalambing lang siya saka ako nagiging yaya sa kanya. Si Gerald kasi millennial ‘yan, eh. Hindi siya ‘yung alagain. Ano lang, chill-chill lang siya. At saka kasi sanay ‘yan na nabuhay na mag-isa, kasi national team ‘yan, eh. So, bata pa lang sila nando’n na sila sa isang square sa Rizal, ‘yon ‘yong buhay nila – magba-badminton, papasok sa loob, mag-aaral. So, sanay siya ng ganu’ng buhay, hindi siya alagain,” sagot ni Ai Ai.

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

Hindi naiilang si Gerald sa atensiyong ibinibigay ni Ai Ai.

“Hindi siya naiilang. Gusto niya ‘yon kasi, kumbaga, hindi naman siya sanay ng ganu’n kaya nun’g nakaramdam siya, nasarapan siya… nasarapan na inaalagaan siya, ‘yung bini-baby,” biro ng komedyana.

Inihayag na rin ni Ai Ai na engaged na sila ni Gerald at wala na siyang takot magpakasal.

“Oo. Ganu’n pala yon, ‘no? ‘Pag nandiyan na, iba pala ‘yung ipinipilit kesa natural na dumadating. Kasi ‘yung last ko, ipinilit ko kasi ‘yon, eh. Marami akong gustong ipaglaban no’n. Marami akong gustong patunayan. Pero mali, eh.

So, lahat ng nagsimula nang mali, natatapos nang mali. And lahat ng nagsimula nang tama, natatapos nang tama,” aniya.

Ibinahagi rin ni Ai Ai ang mga nakita niyang katangian ng lalaking pakakasalan niya.

“Unang-una, walang taong nega sa kanya except sa mga bashers. Pero ‘yung sa pamilya ko, sa mga friends ko, sa mga kamag-anak ko, walang hindi magandang sinasabi tungkol sa kanya, puro positive, isa ‘yon.

“Pero hindi niya alam ‘yon. Mga feedback lang from me lalung-lalo na do’n sa mga pari kong kaibigan. Hindi naman ‘pinaparinig sa kanya pero lahat sinasabi na napakabait ni Gerald.

“And then, siguro, siya lang sa lahat ng naging boyfriend ko o naging asawa ko na sinasamahan akong mag-novena every Wednesday. Ang center namin ay si God kaya siguro it works. Parati kaming nagdadasal and siguro ‘yun ‘yong sign,” pagtatapos ng Comedy Queen,

Kasama ni Ai Ai sa Our Mighty Yaya sina Zoren Legazpi, Sofia Andres at marami pang iba under Regal Entertainment at pinamahalaan ni Direk Jose Javier Reyes.

Showing na ang pelikula sa May 10. (ADOR SALUTA)