Gloria Romero as Lola Goreng copy copy

HALOS maiyak si Ms. Gloria Romero sa mga papuring narinig nang ganapin ang grand presscon ng bago niyang show na kid-friendly at family-oriented na Daig Ka ng Lola Ko.

Tita Glo, as she is fondly called by the entertainment press, is already 83, pero masaya siya na binibigyan pa rin siya ng projects ng GMA Network.

“I’m so blessed na nabibigyan pa rin ako ng mga ganitong show,” sabi ni Tita Glo, ang isa sa iilang kinikilala bilang Queen of Philippine Movies. “Kaya naman hindi nagbabago ang zest ko for living and acting. Natutuwa nga ako na hindi ko na kailangang maglagay ng prosthetics para magmukha akong si Lola Goreng dahil talagang may mga lines na ang mukha ko.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Matagal ko ring hinintay ang ganitong show dahil nakakabata ng feeling. Overwelmed ako sa set, ibang-iba ito sa mga nagawa ko nang teleserye at mga bata naman ang kasama ko, kaya masaya kami sa set, ang gagaling pa nila. Hindi ko rin inisip na at my age, I will still play the role of a fairy. Light lang ang ginagawa ko, at enjoy ako. Natutuwa lang ako na hanggang ngayon kaya ko pa namang mag-memorize ng lines, although mas mabilis maka-memorize ang mga batang kasama ko rito.”

Hindi rin problema ni Tita Glo ang oras ng cut-off niya dahil kahit hanggang 12:00 midnight lang ang taping niya, dahil kung minsan ay mas maaga pa siyang nakakauwi. Nagpapasalamat siya kay Direk Rico Gutierrez na kapag napansing parang inaantok na siya, sinasabihan siya na puwede na siyang umuwi. Every Saturday lang ang taping nila.

Hindi ba siya nahihirapan ngayong dalawa na ang kanyang shows? (Nasa cast din siya ng Meant To Be.)

“Hindi rin naman sunud-sunod ang taping ko sa Meant To Be,” sagot ni Tita Glo. “Kung dito ay apat na bata ang mga kasama ko, sina Jillian Ward, David Remo, Chlaui Malayao at Julius Miguel, kasama ko naman doon ang four young guys na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz at si Barbie Forteza. They shower me with love at ginagawa nilang madali sa akin ang trabaho. Iba rin ang attire ko naman doon. Minsan lang hindi ko maintindihan ang millennial words na sinasabi nila, kaya inaalam ko pa ang meaning at kung paano ko sasabihin. Natutuwa talaga ako kasi nga nararanasan ko pa ngayon ang pagiging isang millennial lola.”

Para sa kanilang pilot episode, tampok si Marian Rivera na nag-wish daw, ayon kay Direk Rico, na sana ay makapag-guest siya kahit sa isang episode lang, bago siya gumawa ng sariling teleserye. Kaya sa April 30, sa Sunday Grande ng GMA-7, mapapanood si Marian bilang si “Gracia, Taong Grasa” kasama ang best friend na si Ana Feleo.

(NORA CALDERON)