Nilinaw kahapon ng Department of Health (DoH) na hindi pa nila inirerekomenda para sa general at private use ang mga dengue self-kit na isinapubliko kamakailan at mabibili na online.
Ayon kay Health Secretary Jean Paulyn Ubial, kinukumpirma pa nila sa ngayon ang “sensitivity” at “specificity” ng mga naturang kit.
Paliwanag niya, bagamat bumili ang DoH ng 1.5 milyong kit sa nakalipas na dalawang taon, kinukumpirma pa rin nila ang accuracy nito hanggang sa ngayon.
Nasa loob ng kit ang finger pricker para makakuha ng dugo na susuriin, at sa loob lamang ng 15 minuto ay makikita na ang resulta nito—kapag may dalawang linya ay positibo sa dengue ang pasyente, at isang linya kung negatibo.
(Mary Ann Santiago)