BIANCA KING copy copy

NAKARAMDAM ng takot si Bianca King kung makakabalik pa siya sa kanyang career pagkatapos niyang mawalan ng projects sa TV5.

“Dumating na ako sa point na I have to do something with my life. Nu’ng nasa TV5 ako ng dalawang taon, mahal na mahal ko ang mga show ko roon, ‘yung show ko do’n, casualty siya ng nangyari sa TV5.

“So bigla akong nawalan ng show and kinuha ko ‘yung time na ‘yun para mag-travel kasi, unang-una, hindi ko nagagawa dati kasi nag-aaral ako and ang dami kong priorities before na hindi ko na-enjoy ang youth ko.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“At sa isang taon na ‘yun, nag-travel ako out of the country halos every month because of my travel blog, so a lot of the destination that I traveled were all sponsored trips, pati ‘yung pagpunta ko ng Europe, Bali, Korea were all free because of my blog. So, ’yun, nagsulat ako for my blog and publications as well and nagho-host pa rin ako ng events and a lot of social media.”

At ang realization ni Bianga nu’ng nawalan siya ng projects sa showbiz...

“Parang naisip ko na that was a good round of my career, now it’s time to grow, to spread my wings, to simplify my life actually. Kasi nga nawala ‘yung regular income na malaki, so naging minimalist ako.”

May humirit ng ‘tipidelya’.

“Ganu’n siguro ‘yung masang term, pero sosyal na term is minimalist. Actually, ni-renovate ko rin ‘yung bahay ko that time, so ‘binenta ko ‘yung kalahati ng gamit ko, kasi ayoko ng maraming gamit. ‘Tapos nagtanggal ako ng PA (personal assistant) and all that, I live like normal person talaga, parang hindi na ako artista,” ‘kaaliw na kuwento ni Bianca.

Naging fear din niya ang tuluyang pagkawala niya sa sikulasyon.

“’Yung mga fear ko, ‘yung umpisa lang, pero ngayon po wala na. ‘Yung fears ko, unang-una, tatanggapin ba ako ng mga taong ito bilang kaibigan. Kasi parang mahihirapan ka, ‘tapos ‘yung pangalawa siguro ay kung marunong pa akong umarte? Eh, matagal na ‘yung huli kong soap. Actually, wala talagang major fears kasi nu’ng sumabak na kami sa storycon and sa tapings, wala na and we were relaxed kasi everyone that I am working with.

“And about expectations, ako, no expectatons talaga kasi pumasok ako dito sa show na ito (Pusong Ligaw) with an open mind, no judgment’s and I think bilang tao, mahalagang mag-take ng risk. And every time na mayroon io-offer sa ‘yong bagong opportunity, kapag hindi ka sigurado, then go for it kasi we almost take risks in life to learn more of ourself into grow and I’m really here in ABS-CBN to grow and most especially as an artist,” pahayag ng aktres.

Pagdating ba sa pag-ibig, naligaw na ang puso ni Bianca?

“Siguro ‘yung version ko ng naligaw is staying in the wrong relationships for too long. Kasi ano ako, hindi ako nakikipag-break, kahit ayoko na hindi ako nakikipag-break, gusto ko siya (guy) ang makipag-break. So, nangyayari parati sa akin na ako ang bini-break-an.

“How long, basta lahat ng relationships ko, matagal. And after ng break-up saka ko lang nare-realize na I was in that relationship for too long, parang I wasted my time.

“Siguro dapat pay attention to the red flag, parang sa una pa lang na may nakikita ka na, ‘ay turn-off’ pero ang mind set ko kasi, ‘hindi, meron naman siyang positive qualities, so I end up for too long, pero mas bata pa ako noon.

Pero ngayong, mawawala na ako sa calendar, mas wise na ako,” natatawang kuwento ng dalaga.

Samantala, nanay ang karakter ni Bianca sa Pusong Ligaw at si Sofia Andres ang anak niya na pinuri niya dahil maayos daw katrabaho. (Reggee Bonoan)