Team Ang Probinsyano kasama si Cory Vidanes copy

KUMPIRMADONG extended ang FPJ’s Ang Probinsyano hanggang Enero 2018.

Ini-announce ni ABS-CBN Chief Operating Officer of Broadcast Cory Vidanes nitong Biyernes, Abril 21 sa thanksgiving party para sa cast, staff and crew ng programa ng Dreamscape Entertainment na tuluy-tuloy pa ring mapapanood si Coco Martin bilang si Cardo Dalisay na kalaban ng masasamang tao hanggang 2018.

Hindi naman kaila na pati mga alagad ng batas ay nagsasabing inspirasyon nila ang programa ni Coco dahil istorya ito ng kanilang araw-araw na trabaho para mapangalagaan ang bansa.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Pinatutunayan din ang pagiging powerful ng mga mensahe ng Ang Probinsyano ng katotohanang ito ang may pinakamaraming awards na natanggap mula sa iba’t ibang sector.

Siyempre, walang mapagsidlan ng tuwa ang lahat dahil nangangahulugan ito ng tuluy-tuloy na trabaho, lalo na ang staff and crew na umaasa sa programa.

Malaking bahagi rin para sa programa ang naging resulta ng isinagawang survery sa mga bahay-bahay para timbangin ng ABS CBN management ang pagdedesisyon sa mga pakiusap – lalo na ng advertisers at ng viewers mismo -- na huwag tapusin ang Ang Probinsyano.

Nananatiling number one sa ratings game ang programa, idagdag pa nag-aagawan pa rin ng spot asponsors kaya nagsiksikan na. Kaya nga may running jokes nang, ‘mas marami pang commercial kaysa sa kuwento.’

Maging ang mga maybahay, ayaw ring ipatapos ang programa dahil maaga na raw dumarating ang kanilang mga mister na ayaw lumiban sa panonood ng show. Dati raw kasi’y ginagabi ng uwi dahil nakikipag-inuman pa.

Higit sa lahat, ang mga batang naglalaro na inaabot ng gabi sa kalye na umuuwi na rin bago dumilim. Sabi nga ng isang ginang, “Dati-rati, alas otso ng gabi, ang dami pang mga batang nagkalat dito sa amin, ngayon bago mag-TV Patrol, kumakain na kaming lahat at nakapaglinis na ng katawan para ‘pag oras na ng Ang Probinsyano, wala nang tayuan at diretso tulog na pagkatapos.”

At excited din ang lahat kung sinu-sinong mga artista pa ang igi-guest sa show.

May nakausap kami na ang tanong ay kailan daw igi-guest si Julia Montes?

Kami na ang sasagot, mukhang malabo dahil may ka-love team si Coco, si Yassi Pressman at hindi naman magiging maganda kung makikigulo si Julia sa dalawa. Tama ba, Bossing DMB?

(Hmmm... parang mas exciting, Reggee! –DMB) (REGGEE BONOAN)