MISSOURI (AP) – Sa mga umaasang mapapanood si Tiger Woods ngayong season, pasintabi muna.

Muling lilipas ang season na walang Woods sa anumang torneo ng PGA matapos sumailalim sa ikaapat na surgery sa likod ang 14-time major champion.

Naganap ang pinakabagong surgery kay Woods nitong Huwebes (Biyerne sa Manila) sa Texas Back Institute.

Bumisita si Woods sa Missouri nitong Martes para pasinayahan ang isang public golf course sa Big Cedar Lodge.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagpaunlak siya ng ilang laro, ngunit hindi ito natagalan ni Woods.

Naisapubliko ang kaganapan sa kanyang website nitong Huwebes kung saan sinabi ni Woods na mangangailagan siya ng anim na buwan para maipahinga ang kanyang likod.

“The surgery went well, and I’m optimistic this will relieve my back spasms and pain,” pahayag ni Woods.

“When healed, I look forward to getting back to a normal life, playing with my kids, competing in professional golf and living without the pain I have been battling so long.”

Unang sumailalim sa surgery ang 41-anyos na si Woods sa first (microdiscectomy), isang linggo bago magsimula ang 2014 Masters, Tinangka niyang magbalik-aksiyon matapos ang tatlong buwan, ngunit siesta kalaunan ang naganap.