PATULOY na bumibisita ang mga turista sa Central Visayas sa kabila ng engkuwentro kamakailan sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo sa Bohol at ilang travel warning na ang inilabas laban sa Pilipinas.

Tiniyak ng Department of Tourism nitong Huwebes na hindi makaaapekto sakaling magkaroon ng pananamlay sa dating ng mga turista sa bansa sa susunod na mga buwan sa target ng kagawaran na makahikayat ng 6.5-7 milyong dayuhang turista na tutungo rito hanggang sa matapos ang taon.

Iniulat ng mga travel agency kamakailan ang mga nakanselang biyahe mula sa Japan, US, Europe at iba pang mga bansa. Gayunman, ipinaliwanag ng Department of Tourism na maliit lamang ang magiging epekto nito sa kabuuang bilang ng mga turista.

Inihayag ni Department of Tourism Secretary Wanda Teo na ang mga kanselasyon ay “minimal” at tiniyak na nakipagtulungan na ang kagawaran sa mga alagad ng batas upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Every time there are travel advisories, tourism numbers lie low for a while. But after a month, tourists return.

Cancellations are minimal,” saad ni Teo sa press conference sa Makati City.

Ibinunyag din ni Department of Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. na may high-profile Japanese TV production team mula sa Kansai ang nais pa ring magpatuloy ng plano na mag-shoot sa Cebu sa kabila ng banta sa seguridad sa mga turista.

Samantala, may ilang dayuhang tour operator, kabilang ang grupo ng 80-miyembro ng English as a second language (ESL), ang nagpatuloy din ng kanilang familiarization tours sa Cebu, Bohol, at Iloilo.

Ipagpapatuloy din ang mga pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Bohol na nakatakda ngayong linggo.

“These are good indications that the confidence of the overseas traveler is (still) very high,” saad ni Bengzon.

Sa kabila ng pagkansela ng ilang pagbisita kamakailan ng halos 150 turistang Korean, ibinalita ni Bengzon na mayroon pa ring ilang Korean tourist ang nagdesisyon na magpatuloy sa kanilang pagbisita.

“Every day, we get about 3,600 Korean tourists on average. We received a report of 150 cancellations. I think it’s easy enough to conclude whether that has had a significant effect on the flow of arrivals,” ani Bengzon.

“We are not brushing this off. We take this matter very seriously. But it is very clear that there are a lot more tourists that decided to push through with their travel to Philippines,” dagdag niya. (PNA)