Iniutos ng Office of the Ombudsman na sibakin sa puwesto ang konsehal ng bayan ng Albuera sa Leyte na si Buen Zaldivar dahil sa kinakaharap nitong graft kaugnay ng pag-o-operate ng isang sabungan sa kanilang lugar noong 2008.

Ang pagsibak ng anti-graft agency kay Zaldivar ay makaraang mapatunayan nitong nagkasala ang konsehal sa kasong administratibo na grave misconduct.

Bukod sa pagkakasibak sa serbisyo, pinagbawalan na rin si Zaldivar na magtrabaho sa gobyerno at kanselado na rin ang kanyang retirement benefits at civil service eligibility.

Batay sa record ng Ombudsman, nadiskubre na si Zaldivar ang nag-o-operate ng New Albuera Cockpit at nagkaroon ng financial interest doon noong 2008-2014.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito