SA loob ng limang araw sa mga sinehan ng pelikulang Can’t Help Falling In Love, inihayag ng Star Cinema na kumita na ito ng halos P300M nationwide.
Walang duda na monster hit ang newest movie na ito nina Danel Padilla at Kathryn Bernardo.
Malaki ang ambag sa pagiging blockbuster ng pelikulang idinirehe ni Mae Cruz-Alviar ng kaliwa’t kanang block screening ng KathNiel fans, gaya ng sponsored ng KB Buddies nitong nakaraang April 18 sa Trinoma at bongga uling screening bukas (Linggo, April 23), 2 PM, sa Dolphy Theater.
Nangako daw si Kathryn sa pangulo ng KB Buddies na si Mommy Long na darating ang aktres sa nasabing event.
“Inaayos pa namin schedule ni Daniel para makarating siya sa block screening namin sa Linggo,” ani Mommy Long.
(ADOR SALUTA)