Nalagutan ng hininga ang isang barangay chairman sa Caloocan City at kasama niyang buntis matapos pagbabarilin ng apat na lalaki sa Valenzuela City, nitong Huwebes ng hapon.

Sa report kay Police Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, dead on the spot sina Emmanuel Cruz, chairman ng Barangay 79, Caloocan City; at Sunshine Garcia, ng No. 272 Gomes Street, Caloocan City.

Samantala, ginagamot naman sa Valenzuela City Medical Center sina Bgy. Councilwoman Hilda Padayao, 50; Joel Delos Reyes, 33.

Base sa report, dakong 5:15 ng hapon nangyari ang insidente sa harap ng isang supermarket sa McArthur Highway, Bgy. Malanday ng nasabing lungsod.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sakay ang mga biktima sa Hyundai (MQ-4452) nang biglang dumating ang mga suspek na lulan sa dalawang motorsiklo.

Nilapitan sila ng mga ito at saka pinagbabaril.

Pinag-aaralan na ngayon ang kopya ng closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar. (Orly L. Barcala)