Ian at Bea ni Manny dela Rosa lang_PLEASE CROP copy

MGA ordinaryong Pilipino na nagsisilbing inspirasyon sa kapwa ang bida sa ABS-CBN Summer Station ID 2017 na inilunsad nitong Lunes (April 17) sa TV Patrol.

Nakisalo sa kanilang ningning ang halos isandaang Kapamilya stars sa station ID na may temang “Ikaw Ang Sunshine Ko, Isang Pamilya Tayo” at nakakuha na ng mahigit 500,000 views sa YouTube at naging trending topic naman ang #IkawAngSunshineKo sa buong mundo.

Tampok sa station ID kung paano makakapagpasaya sa simpleng paraan tulad na lamang ng matatapang at palangiting bangkera ng Lake Pandin na nakasalamuha ni Judy Ann Santos at ang nakakatuwang pedicab driver na puro kulay lila ang gamit na sinorpresa ni Vice Ganda.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nakikanta naman sina Lea Salonga, Bamboo, Sharon Cuneta, at Sarah Geronimo kay Sr. Gloria Agagon, FMA na kahit may edad na ay marunong pa ring mag-rock and roll. Nakilala rin ng tambalang TonDeng nina Ian Veneracion at Bea Alonzo ng A Love to Last si Mang Manny dela Rosa na naghahandog ng saya sa mga pasahero ng tren gamit ang kanyang bamboo flute.

Nakakwentuhan nina John Lloyd Cruz, Coco Martin, at Piolo Pascual ang iba pang mga kababayan natin na positibo ang pagharap sa buhay.

Sabi kay John Lloyd ng volunteer sa mosaic mural ng Baclaran, nais niyang makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng sining. Pinabilib naman ng estudyanteng si Dara Mae Tuazon si Coco at ang buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano sa kanyang pagtuturo sa mga batang lansangan sa kanyang libreng oras. Hinimok naman ni Piolo ang mga batang may kapansanan na huwag bumitaw sa kanilang pangarap.

Ipinapakita rin sa video ang mga proyekto ng ABS-CBN na naglalayong makatulong sa mga Pilipino tulad ng “TV Patrol Kapamilya Caravan” sa pangunguna nina Noli de Castro, Ted Failon, at Bernadette Sembrano sa Zamboanga, Tacloban, at Pangasinan, maging ang “DZMM Kapamilya Day” na naglibot din sa iba’t ibang barangay sa Metro Manila at kalapit probinsiya. Kasali rin sa video ang ABS-CBN News journalists na sina Kim Atienza, Jorge Cariño, at Anthony Taberna na masayang namimigay ng mga salamin at payong sa mga nagtitinda at driver sa daan.

Kasama rin sa summer station ID ang pinakasikat na love teams at artista habang masayang ginagawa ang paboritong summer activities ng pamilyang Pilipino. Gawa ang video ng Creative Communications Division ng ABS-CBN na pangunguna ni Robert Labayen kasama sina Love Rose de Leon, Johnny Delos Santos, at Lloyd Oliver “Tiny” Corpuz sa pagsulat ng kanta na nilapatan ng musikang likha nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, mula sa direksiyon nina Paolo Ramos at Peewee Azarcon Gonzales.

Inawit ito ng BoyBandPH, kasama sina Maymay Entrata, Kisses Delavin, Yong Muhajil, at Edward Barber ng PBB 747, Top 3 ng “Tawag ng Tanghalan” na sina Noven Belleza, Sam Mangubat at Froilan Canlas, at Sue Ramirez, Kristel Fulgar, Sharlene San Pedro, Alexa Ilacad, Kira Balinger, at Ylona Garcia sa lyric video na mayroon nang halos 2 milyong view sa YouTube.

Miyembro ng 2016 SID Creative and Production Team sina Dang Baldonado, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Sheryl Ramos, Adrian Lim, Chiz Constantino-Perez, Lota Rosales, Mark Bravo, Christer John Salire, Christian Faustino, Angela Suarez, Stephanie Angeles, Edward Ramirez, Christian Abuel, Francheska Elyzza Castro, Maria Karen Sto. Tomas, Marjorie Ofaga, Kay Batac, Christine Joy Laxamana, Vlad Navalta, Leeroy Lim, Lara Allardo, Mark Raywin Tome, Karen Adiova, Shally Tablada, Elisha Blando, LA Sibug, Limer Veloso kasama ang ABS-CBN Integrated Marketing na pinamumunuan ni Nandy Villar.

Naki partner din ang SID Team sa ABS-CBN TV Entertainment, ABS-CBN News, ABS-CBN Regional, ABS-CBN Sports and Action, ABS-CBN Licensing, ABS-CBN Property Management, ABS-CBN Global, ABS-CBN Safety and Security, ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., ABS-CBN Star Magic, ABS-CBN Digital Media Division.

Kasali rin sa team sina Tess Perez-Mendoza at Aye Duñgo, Traffic & Operations; Jaime Porca, Technical Production Head; Jacquelyn Fernandez, TOD Technical Producer; Joselito De Jesus, Art Director; Oliver Paler, Carmelo Saliendra, Dennis Amarille, Alfie Landayan, Meryl Pacis, Maria Concepcion Ignacio-Salire, Mark Gonzales, Sebb Turgo, Jasper Herrera, Raphael dela Rea, Karlo Victoriano, Teters Enrique, Lawrence Macanaya, Post Production Team; Mark Antonio, Emil Hembra, Shane Ibañez, Joseph delos Reyes, Mico Manalaysay, Videographers; Carmelo Saliendra at Regine Binuya, Print Graphic Designers; Arnold Sulit, Location Manager; Renato Valerio, Darwin Dueñas, Jenverly Esber, Jesusa Canilang, Irene Tugade, Production Coordinators; Robert Jeres, Rolando Jeres Jr., Utilitymen.

Abangan ang mas mahabang pagpapakita ng mga kuwento ng sunshine sa ABS-CBN Summer Station ID 2017 sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Gamitin lamang ang hashtag na #IkawAngSunshineKo para makasali sa pagpapalaganap ng katuwaan ngayong summer sa buong bansa.