Wala nang balak ang dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para gumanti sa humalili sa kanya na si dating Pangulong Benigno Aquino III, ang taong sinisisi sa kanyang maglilimang taong pagkakapiit dahil sa kinumpirma na ng Korte Suprema na walang basehan ang plunder complaint.

Kasama ang kanyang abogado na si Estelito Mendoza, kinumpirma ni Arroyo na wala siyang planong gumanti kay Aquino sa alegasyong pag-atas kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales para magsampa ng non-bailable plunder case laban sa kanya.

Nagkaisa ang mga abogado na may ilang aksiyong legal na maaaring isagawa ni Arroyo laban sa kanyang mga kalaban sa pulitika na maaaring sisisihin sa kanyang pagkakakulong at maging sa paghahanap ng pinakamahusay na manggagamot nang siya ay isailalim sa hospital arrest sa loob ng maglilimang taon dahil sa plunder case.

Nitong Martes, pinal nang idineklara ng Korte Suprema na inosente si Arroyo sa anumang kaugnayan sa plunder case na may kinalaman sa umano’y mishandling ng P366-milyon intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“No, we do not have any plans. She has not asked me to pursue it,” pahayag ni Mendoza nang tanungin kung inutusan siya ng kanyang kliyente upang kasuhan si Aquino. (Ben R. Rosario)